Overseas Filipino Worker, o nakasanayang OFW na nagsimulang umusbong sa mga manggawang naghangad ng kapalaran sa Gitnang Silangan ng Asia.o Middle East sa kaalaman ng nakararami. Mga propesyonal, domestic helpers, drivers, at iba't iba pang klase ng hanapbuhay ang nakipagsapalaran. Hanggang umabot sa sisenta porsyento ng mga OFW ay narito sa Saudi Arabia. BAKIT NGA BA?
Saudi? WOW Gold. Kapag may umuwing balikbayan at puno ng alahas, "Galing Saudi yan." sa kadahilanang magandang klase at mura ang halaga ng ginto sa bansang ito. Sa kadahilanan bang malaki kinkita nila kaya sila nakakabili ng ginto? dahil gusto ba nilang pakita sa lahat na marami ako pera pambili nito? dahil gusto ba nila magyabang?
Bakit nga ba? Kung isa ka lamang taga-masid, taga-pakinig at di ka nabibilang sa OFW at pamilya nito, maaring may iba kang maiisip na dahilan. Ngunit kung iyong mababatid, karamihan sa kanila ay pinupundar ang mga ito upang magamit sa mga darating na panahon. Di lamang upang gawing accesories, kundi pangtakbo sa mga pangangailangan. Sa mga biglaang pangangailangan. Sa aking pakiwari kaya umusbong na parang kabute ang mga tinatawag na bahay-sanglaan. Salamat sa kanila.
"Ang gara naman nga mga gamit mo, ang mahal siguro ng bili mo nyan. Iba na talaga mapera'" Sa isipan ng tinuringan, "kung alam mo lang, inabangan ko mag-sale ito at halos magkandarapa ako para lang mabili ito" o kaya "kung alam mo lang kung magkano ito"
Mga bagay na sa isip ng iba ay kabaligtaran ng katotohanan. Bakit nga ba? Dahil ba ikinukubli ang katotohanang buhay nila malayo sa kanilang pamilya? at sa pamamagitan ng mga materyal na bagay na ito ay naikukubli ang tunay na buhay na kanilang pinagdadaanan?
Ito'y katiting lamang sa mga storyang maari nyong marinig,mabasa tungkol sa buhay ng mga OFW. kung hindi natin kilatisin mabuti, di natin malalaman ang tunay na buhay na kanilang pinagdadaanan. Mga kanya-kanyang storya ng buhay at kanya kanyang kadahilanan. Bakit nga ba?
No comments:
Post a Comment