Saturday, November 20, 2010

Napakasakit Kuya Eddie



"What an old song?" Pero maniwala ba kayo na na-appreciate ko lang ang message nito ng ako ay nalalapit ng makpagsapalaran sa bansa ng Arabo. May isang kaibigan ang nagsabing "pakinggan mo ang kantang NAPAKASAKIT KUYA EDDIE" isa itong halimbawa ng realidad ng bansang Saudi.  Parang isang malaking biro, ngunit kung ikaw ay mulat sa katotohanan sa mga taong nakipagsapalaran iyong mapapatunayan na ito ay isang ordinaryong pangyayari nalamang pala. 

Bakit nga ba? Sino ang dapat sisihin? Ang iniwan o ang lumayo?
May kanya kanyang karanasan. May kanya kanya silang dahilan. May kanya kanyang sakit na nararamdaman. Na minsan ay hindi natin maintindihan kung hindi natin ito naranasan. Kung iyong pakikinggan, may katwiran at may wala sa katwiran. Ngunit kailan ba nagiging tama ang alam naman nating sa simula't simula ay mali?

Ang daming kwento, hindi ko alam pano ko sisimulan. Nakakalungkot ngunit eto ang katotohanan.

Friday, November 19, 2010

Away From Home


I created this blog intended for my new venture in life, working away from home. I know how difficult and depressive life is because of what I am hearing from friends and relatives who've been here.  I thought this blog could be my outlet to release my everyday thoughts, feelings and be relieved of the loneliness life has for me. 

I've been here for almost five months now, but didn't do what I planned to. Thanks to my kids, relatives, friends online, and especially to the one who never gets tired of keeping me company, no matter how far, tried to make it so near, to survive  in this new life away from home.  Blogging was set aside but in fact, I kept open so as to make it available when I feel like blogging

May this be a good start for my wishes to share the 'REALITY OF LIFE" away from home. I came to know more about each and everyone's reasons, goals and dreams. More of the struggles they've been through, which were kept from their families so as not to worry and let them continue with their thinking how good life is - working away from home.  




OFW: Bakit nga ba?

Overseas Filipino Worker, o nakasanayang OFW na nagsimulang umusbong sa mga manggawang naghangad ng kapalaran sa Gitnang Silangan ng Asia.o Middle East sa kaalaman ng nakararami. Mga propesyonal, domestic helpers, drivers, at iba't iba pang klase ng hanapbuhay ang nakipagsapalaran. Hanggang umabot sa sisenta porsyento ng mga OFW ay narito sa Saudi Arabia. BAKIT NGA BA?

Saudi? WOW Gold. Kapag may umuwing balikbayan at puno ng alahas, "Galing Saudi yan." sa kadahilanang magandang klase at mura ang halaga ng ginto sa bansang ito. Sa kadahilanan bang malaki kinkita nila kaya sila nakakabili ng ginto? dahil gusto  ba nilang pakita sa lahat na marami ako pera pambili nito? dahil gusto ba nila magyabang?

Bakit nga ba? Kung isa ka lamang taga-masid, taga-pakinig at di ka nabibilang sa OFW at pamilya nito, maaring  may iba kang maiisip na dahilan. Ngunit kung iyong mababatid, karamihan sa kanila ay pinupundar ang mga ito upang magamit sa mga darating na panahon. Di lamang upang gawing accesories, kundi pangtakbo sa mga pangangailangan. Sa mga biglaang pangangailangan. Sa aking pakiwari kaya umusbong na parang kabute ang mga tinatawag na bahay-sanglaan. Salamat sa kanila.

"Ang gara naman nga mga gamit mo, ang mahal siguro ng bili mo nyan. Iba na talaga mapera'"  Sa isipan ng tinuringan, "kung alam mo lang, inabangan ko mag-sale ito at halos magkandarapa ako para lang mabili ito" o kaya "kung alam mo lang kung magkano ito"

Mga bagay na sa isip ng iba ay kabaligtaran ng katotohanan. Bakit nga ba? Dahil ba ikinukubli ang katotohanang buhay nila malayo sa kanilang pamilya? at sa pamamagitan ng mga materyal na bagay na ito ay naikukubli ang tunay na buhay na kanilang pinagdadaanan?

Ito'y katiting lamang sa mga storyang maari nyong marinig,mabasa tungkol sa buhay ng mga OFW.  kung hindi natin kilatisin mabuti, di natin malalaman ang tunay na buhay na kanilang pinagdadaanan. Mga kanya-kanyang storya ng buhay at kanya kanyang kadahilanan. Bakit nga ba?