July 8, 2010 4:45pm Saudia Airlines, Manila-Damman, Dammam-Riyadh, Riyadh-Jeddah, Jeddah-Hofuf (final destination)
katuwang flight diba?
"Kung ako yan nenerbyusin na ako." sabi ng isang SRO staff. Wala naman daw magawa dahil kailangan ang final destination ng flight ay sa lugar mo talaga. Ngunit kung titingnan mo sa magandang anggulo. WOW! narating ko na mahahalagang lugar ng Saudi. Airport lang pala.
Dammam - Maupo ka lang dyan sa plane, wait mo matapos ang lahat at aalis din yan. Tumanaw ka nalang sa bintana habang nagbababa at nagsasakay ng bagahe.
Dapat ayusin dahil hindi din tama. Imagine magstay ka sa Riyadh para kang preso. 12-hrs sa mistulang dungeon? Swerte mo pag binigyan ka ng food or may kalahi ka na cleaner para ibili ka ng needs mo.
Pagflight mo na. Tawagin ka ng airport police at walang awa kang papalakarin ng mabilis patungo sa check-in counter na halos singhaba ng MegaMall and layo. Kahit halos hindi mo na maihakbang ang paa mo sa nginig dahil sa gutom at puyat.
Pakikipagsapalaran na kailangan ng tibay ng loob. Dahil kung di ka sanay sa pagod, sa hirap, maaaring maging simula ng panghihina ng iyong katawan.
Maaaring isa itong matinding dahilan ng kamatayan ng isa nating kababayan. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. Tatlong araw palang nakakatuntong ang paa sa lugar na ito, kinuha na sya ni Lord. Nilalagnat na bago umalis ng Pinas, at danasin ang hirap na tulad ng dinanas? kaawa-awang magulang, 2 anak kinuha pa ng maaga ung isa. Eh swerte pa ako matatawag. Thank you Lord.
Sa sobrang pagod na nararamdaman ng mga sandaling iyon, nagawa ko ipa-check-in ang hand-carry bag ko, kahit kabilinbilinan sa PDOS na huwag iwawalay sa katawan ang papeles at di na inisip na nandoon sa bag na iyon ang mahalangang papel. Pakiwari ko lang, kung hindi ko ginawa un, isang matinding parusa ang dadanasin ko sa pagsapit sa Jeddah Airport, at isa na akong nasirang "Ineng", Baket??? kasi nawalala sa Jeddah ang pasaporte ko. Nasan ang Immigration? Sus, turo ako kung saan saan, yun pala di nakakaintindi ng ingles. Akyat panaog, nakakita ng kalahi, di din pala alam. Nakakita ng airport pulis, Aysus, di din nila alam kung nasan. Ang maganda pa nito, magkwentuhan at magtawanan habang ako'y naghihintay. Hello! mga brothers, minuto nalang wait ko at aalis na eroplane. At di ako aalis nang di ko nakikita ang pasaporte ko. Ang magagaling palang Saudia Staff eh tinago, matapos ang pakikipag pilitan sa mga airport pulis na sa kanila ko daw kunin.
kung bitbit ko hand-carry bag ko? Oh my! bagsak na ko sa kakaikot at kakamadali dahil final call na nag check-in palang ako, nag call na for boarding sa bus patungo sa eroplane. Saan ka pa? security check, may nakasingit pa sister na naka-wheelchair, ano gagawin ko? Iwan ko? Nakakatawa diba?
Pero sa totoong buhay, so depressing and tiring. I almost wanted to give up. All I did is cry silently. But its a test of patience and strength. However, I am thankful for a rough road towards my success. How I wish I will be blessed!